Ako ay Pilipino
Buong katapatang nanunumpa sa watawat ng Pilipinas
At sa bansang kanyang sinasagisag
Na may dangal, katarungan at kalayaan
Na pinakikilos ng sambayanang maka-Diyos,
Maka-kalikasan, maka-tao at maka-bansa.
Monthly Archives: February 2023
Panatang Makabayan (Revised 2023)
Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag at marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo
ng aking mga magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin
ng mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nananalangin
nang buong kntapatan.
Iaalay ko ang aking buhay,
pangarap, pagsisikap
sa bansang Pilipinas.
Panunumpa ng Lingkod-Bayan
Ako ay isang lingkod bayan.
Pangangalagaan ko ang tiwalang ipinagkaloob ng mamamayan.
Maglilingkod ako nang may malasakit, katapatan, at kahusayan na walang kinikilingan.
Magiging mabuting halimbawa ako, at magbibigay ng pag-asa at inspirasyon sa aking kapwa lingkod bayan.
Lilinangin ko ang aking sariling kakayahan upang sa lahat ng panahon ay mapaglingkuran ko nang buong kahusayan ang sambayanan.
Hindi ako makikibahagi sa mga katiwalian sa pamahalaan.
Pipigilan at isisiwalat ko ito sa pamamagitan ng tama at angkop na pamamaraan.
Isasabuhay ko ang isang lingkod bayang maka-Diyos, maka-tao, makakalikasan at makabansa.
Tutugon ako sa mga hamon ng makabagong panahon tungo sa adhikain ng matatag, maginhawa, at panatag na buhay.
Sa mga tungkulin at hangaring ito, kasihan nawa ako ng Maykapal.